Annulment at Diborsiyo sa Pilipinas

Nais namin dito sa Down Under Visa ng happy ending sa lahat ng aming mga kliyente ngunit hindi ito nangyayari sa lahat ng pagkakataon. May mga relasyong hindi nag wo-work out at nag fail. Kung kayo ay nasa ganitong sitwasyon, basahin ang mga sumusunod upang maliwanagan ang ilang bagay. 

download

Una, kung na i-file na ninyo ang Permanent Partner Visa at hindi pa ito aprobado (Subclass 820 o Subclass 100), meron kayong legal na obligasyon na mag report sa Department of Immigration and Border Protection. Tumawag sa 131 881 o pumunta sa pinakamalapit na Australian Immigration Office at i-withdraw ang sponsorship. Labag sa batas ang hindi pag gawa nito. Huwag ninyong isipin “Oh kasi ayaw kung ako ang dahilan ng kanyang pagka deport.” Hindi kayo ang magpapasya sa bagay na iyon.

Pangalawa, kung ang visa ay hindi pa approbado, kailangan ninyong kontakin ang embassy para i-withdraw ang sponsorship. Sa ganitong paraan, hindi nyo lang ginagawa ang inyong legal na obligasyon, sigurohin din ninyo na hindi ma approve ang visa. Dahil pag nangyari yun, kailangan ninyong maghintay ng limang taon bago makapag sponsor ng panibagong applikante (Regulatin 1.20J sa Migration Regulations)

 

Ngayon sa annulments!

Alam ng karamihan na walang diborsiyo sa Pilipinas. Ang tanging paraan na wakasan ang isang kasal ay annulment lang, isang mahirap at mahabang proseso. Kung meron kayong iisponsoran galing sa Pilipinas na legally married pa, hindi ninyo siya pwedeng pakasalan at hindi rin kayo pwedeng mag apply ng Prospective Marriage Visa para sa kanya puwere na lang kung legally free to marry na siya. Kahit sabihin pa natin na siya ang pinaka masamang asawa dito sa mundo, at baka hindi na niya ito nakita sa loob ng 14 years,  walang kinalaman ang  issuing  ito. Kahit saan man sa mundo, kasama na dito ang Pilipinas, ang pag aasawa ay isang legal na kontrata at naka tali siya dito.

Ang kasal ay pwedeng ipa-annul sa Pilipinas kung mai-establish ng babae o ng isang party o both parties  na pareho silang  walang psychological na kakayahan na maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng marriage commitment, at yan  ang puweding maging basihan  ng korte na ideklarang annulled ang kanilang kasal. Ito ay mahabang proseso at mangangailan  pa ng psychologists reports, at  maraming mga  evidensiya para mapatunayan na sila ay “psychological incapacity”. At hindi pa sigurado ang kalalabasan nito. Pwedeng abutin ito ng isang taon o higit pa lalo na kung ang kabilang partido ay hindi nakiki pag-cooperate.

At ang mga abogado ay kilala na kaya nilang patagalin ang ganitong mga kaso lalo na  pagnalaman na may isang mayamang Australianong involved.

 

Nag asawa ako ng isang Pilipina ngunit hindi nag-work out ang relationship. Kailangan ko ba ng annulment?

Isang karaniwang misconception na kapag kinasal sa Pilipinas, kailangan mo ring ipawalang bisa ang kasal na iyon sa Pilipinas.

Mali!

Sa ilalim ng batas ng Australia, pwede kang mag file ng divorce sa Australia para sa kasal na naganap sa ibang bansa at ang divorce na iyon ay “legally binding” o kinikilala ng batas ng Australia. At dapat kayong kumonsulta sa isang Family law specialist o abugado sa Australia. Hindi kami dito  nagbibigay ng legal advice. At kung masusunod ninyo ang lahat na mga  requirements para sa divorce duon sa Australia,  then pwede ninyo itong gawin sa Australia sa ilalim ng “no fault” divorce law ng Australia. Mura at napaka simpleng proseso.

 

Kikilalanin ba ang divorce na  ito sa Pilipinas?

Technically, oo. May probisyon sa Family Code ng Pilipinas na kinikilala ang diborsiyo sa pagitan ng mga Pilipino at mga dayuhan.

Ngunit…hindi madaling gawin na maiparehistro dito sa Pilipinas ang diborsyong ito at ang magpakasal uli dito sa Pilipinas.

Gusto ba ninyong subukan yon? Ako hindi!

Kumuha ng diborsyo sa Australia. At mag apply ng Prospective Marriage Visa (aka Fiancee Visa) at pwedeng kang mag pakasal sa Australia ng walang problema. Doon ka na sa prosesong hindi komplikado.

 

Gustong mong kumuha ng libreng visa assessment galing kay Jeff Harvie, isang Registered Migration Agent?
I-Click DITO.

2 Comments

Filed under Advice for Filipinas, Practical Issues, Relationship Issues

2 responses to “Annulment at Diborsiyo sa Pilipinas

  1. Evelyn

    Hi Ate Mila, pano po ba mag-apply ng fiancee visa dito sa HongKong?
    Kelangan po ba ng agency? Or pwede dumirekta sa Australian Immigration? Salamat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s